<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/8450009175143348118?origin\x3dhttp://rochelle-mae.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
profile entries message links credits
Disclamer



Flashback

Recent Posts


Thursday, March 15, 2012
SPA DAY; FiSHPOND with Patjaylle & Veejay

This is it! Excited akong pumasok. 7am nasa school na ako kesyo culminating nga. 'Yun bang program para lang sa mga SPA na gaya ko.

Drum and Lyre Corp
Dance
Choir
Visual Arts
Theater Arts
Creative Writing

Una, nagpractice muna kaming mga drum and lyre. And yes, flag bearer nga ako. Pinasayaw pa kami sa gitna. As in sa malapit sa mga tao which made me so kinakabahan! Habang nagfflag kami, may volleyball player na babae or tomboy ata? Nagtanong kung pwede daw ba akong picture-an. E kunwari pakipot naman ako nung una. Pero sa huli, nagpa-picture rin naman ako. Hahaha. Pagkatapos ng boring na saglit lang na practice, lumapit sa amin si Renier. At dahil nga nagsama-sama kaming mga kalog, nilatad namin 'yung flag sa harap ng North Building at umupo ako doon habang nakasuot ng sunglass with matching kunwari namamalimos na bulag. Tas 'yung mga kaibigan ko naman kunwari din dadaan tas magbibigay ng barya at P500, P100. :D Pinagtitinginan kami ng mga tao. Naputol na lamang ang kasiyahan nung may dumaang sasakyan. Syempre umalis ako. XD

Pagkatapos nun, pumunta kami nina Pitang, Jayne, Pat,Renier, at Rona sa Jica Canteen para kumain ng halo-halo. Tas kwentuhan chorva at bumalik na sa Social Hall para manood ng culminating. Pero nung hindi pa naman nag-start, lumabas muna ako. Umaasa ako na makikita ko s'ya. Umaasa ako na pumasok s'ya nun. At.....tama nga ang inaasahan ko. Pumasok nga s'ya! Haha. Sino pa nga ba? Edi si....Basta! XD


Ayun..pumasok na ulit ako ng Social Hall para manood. Pero nairita ako kasi pagtingin ko sa isang babae...'yung section A? 'yung may kakambal sa spa-b? basta....'yun na 'yun. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin s'ya sa akin. Palihim pa ata kasi natatakpan ng buhok n'ya 'yung mga mata n'ya. Pero syempre nakita ko parin na palihim n'ya akong tinitignan. At dahil dun, lumabas nalang ako. Iniwan ko si Jayne sa loob ng Social Hall at pinuntahan ko sina Patricia, Veejay, at Kambing sa labas. Unang nagperform ang drum and lyre, at dahil na-engganyo akong manood, sumilip nalang ako sa may pintuan tutal marami rin namang taong nanonood doon. Sumunod naman ang Theater Arts. Anggaling nila. Angganda ng facial expressions nila. Tapos 'yung mga dance naman.... Okay, not bad. Hanggang dun lang 'yung pinatapos namin. Pagkatapos nun, dumating na si Jayne. Alis na raw kami. Edi hinatid naman ako ni Kambing hanggang sa gate.

Dumiretso kami nina Jayne, Pat at Vj sa Jollibee. Nag-order ng chicken with rice at coke float. Tinake out na namin kasi usapan talaga naming sa Binmaley nalang kainin. So doon namin kinain sa Fishpond. High tide! Pero masaya parin. Pero mawawala ba ang away nina Patricia at Veejay pag magkasama? Haha. Malamang hindi. Hindi ata mabubuhay ang dalawang yan ng walang away e. Almost everyday silang nag-aaway. At nakakasawa na rin silang panoorin. Pero keri lang. Sanay na kami.


Pagkatapos naming kumain, namingwit kami ng isda. E wala kaming mahuli....so nagdecide kami na lumipat sa kabilang pond. Sumakay kami sa bangka. At nakarating na kami!!!! Teeeheeee. XD

Maraming isda. Nagpakain kami. Tapos huhuli na naman kami at pag nakahuli ibabalik ulit sa tubig. At ang masaya dun, nakahuli ako! First time dude! Ang-ingay ng mga kasama ko. Kumakanta ng pusong bato at kung anu-ano oa. Si Patricia naman kunwari s'ya si Corazon. Alam n'yo 'yun? 'yung movie? Aswang? Haha. Kuhang-kuha n'ya! Kamukha talaga n'ya. Swear.

At nang mga 5;30 na, napag-isip-isip na naming umuwi. Anghaba na naman ng nilakad namin. At dahil high tide nga, no choice, kelangan talagang tanggalin ang sapatos. So nagtanggal ako kasi hanggang tuhod 'yung tubig. Pero.....may naapakan akong hindi ko alam kung ano ba 'yun. Haha. Meganun? XD Edi nasugat. Dumugo. Nung nasa bandang gitna naman na kami ng paglalakbay.....nadulas ako! Muntik na akong mahulog sa Pond. Buti nalang at napakapit ako kay Jayne. Mali....napayakap! 'yun 'yung tamang term! Napayakap! XD Ehe. Niyakap ko si Jayne! She's my Hero! Hahaha. Kung bakit ba kasi madulas 'yung daan? Edi..... Haaay.




*yawn* Inaantok na ako. O sya...hanggang dito nalang. Sorry kung medyo magulo. Inaantok na talaga ako habang nagta-type. Wag n'yo nang laitin. Nakikibasa lang. kayo. Good night!





Sunday, March 11, 2012
Just badly thinking about Graduation...and him.

Panibagong araw na naman ngayon. 17 days nalang at graduation na. Kung iisipin mo, parang anghirap. Parang ayoko pang grumaduate. Gusto ko pang tumagal ang oras na magkasama kami ng mga kaibigan ko. At syempre, ni Jomel. Yeah, he's my suitor. At sa lahat ng suitors ko, for me, he's the best. ^___^ At first, naguguluhan talaga ako. Nag-start s'yang manligaw since February 23, 2012. 'Yun din 'yung time na kakabreak lang nila ng girlfriend n'ya. Dinededma lang daw s'ya nito. 'Yun bang parang WALA lang daw 'yung relasyon nila? Hindi nagwowork kumbaga. At dahil sa nakikita ko naman ang efforts na ginagawa n'ya gaya nalang ng pag-antay sa'kin pag lunch break at dismissal. At binigay din n'ya sakin pati email address at password n'ya sa fb. Para hindi na ako manghinala. So pinayagan ko nang manligaw. Wala namang masama di ba? Wala nga ba? Meron ata? =___= May nakapagsabi kasi sakin na mahal na mahal parin daw s'ya ng ex n'ya. Then tumawag 'yung ex n'ya dun sa nagsabi sakin at umiiyak pa daw. Edi konsensya naman ako dun? Pero kung tutuusin wala naman talaga akong kasalanan di ba? S'ya naman kasi 'yung gustong manligaw. Hindi ako. :D Tsaka, hindi ko s'ya flinirt. Kaya I've nothing to worry about. Pero...nag-iisip ako kung sasagutin ko na ba s'ya or hindi pa? Kasi parang hindi ko pa feel magka-boyfriend. Parang okay na ako sa ganito. Urgg. Ewan! -___-

Okay, back to graduation tayo. Ayun nga, malapit na. Ano bang balak ko? Hmm...kahapon nag-edit ako ng mga pictures ko kasama ang mga friends ko. Papa-develop ko 'yun then ipapamigay ko sa kanila sa mismong araw ng graduation. Di pa nga ako tapos mag-edit hanggang ngayon. May pagka-tamad rin kasi ako. ^O^ Naisip ko rin magparebond before graduation at magpa-cellophane ng red. Waaa. As if bagay ko. Haha. Tas binilhan na ako ni Mommy Kel ng sandals ko. Hindi halatang excited e ano? XD

Oryt. Hanggang dito nalang. Hindi ba nakakapagod mag-type?











P.S. Sana totoo 'yung sinabi mo. Sana makapunta ka sa graduation. Kahit nirereject kita. It doesn't mean na ayoko na talaga sa'yo. Masyado lang akong nasaktan sa ginawa mo. I still love you. Pero buti nalang at nawawala na. Malapit na talaga. At masaya na ako dun. Sana nga tuluyan nang mawala. At mabaling na kay Mr. Suitor. Umaasa akong makikita kita sa Graduation. Makita lang kita, ayos na. Mabasa mo sana 'to. 1-18-13-9-14


:***





Thursday, March 08, 2012
At dahil sa matinding kaba.....

Mathematics? Ambobo ko dito.

Alam ng lahat na kahinaan ko talaga ay ang Math. Kasalanan ko ba na pinanganak ako ng Nanay ko na mahina ang utak sa Matimatika? Hindi naman e, diba? Kaya naman pagtungtong ko sa kolehiyo, tourism nalang ang couse na kukunin ko. Alam n'yo naman siguro kung bakit diba? Haha. Walang subject na Math ang tourism. :D

Kahapon ko pa pinag-iisipan kung papasok ba ako ngayon dahil nga sa recitation sa Math. Natatakot talaga akong pumasok. Kinakabahan kumbaga. Pano nalang kung hindi ako nakasagot sa recitation? Edi nakakahiya naman 'yun. Hindi naman ganun ka-terror si Ma'am pero tatadtadin ka talaga n'ya ng tanong. So nakapagdesisyon na ako. Hindi ako papasok. Nakatext ko rin sina Patricia at Jayne. Hindi din daw sila papasok kaya panatag ang loob ko.So ayun nga, hindi kami pumasok.

Pero kinabukasan, bumungad nalang sa akin na wala raw klase. Urgh! Edi pumasok nalang sana ako, ano? Sayang talaga. Sayang! 'Yun ang gusto ko e, ang walang klase.

Pero dahil nalaman ko 'yun, pumasok nalang ako ng hapon. Dapat lang! Kelangan kong tignan kung saan ang room na page-exam-an ko bukas para sa NAT. Pagpasok ko ng School, nakita ko kaagad si.....hmm, si Shaira. Pinsan ko. Nahihiya ako sa kanya kasi..........basta! Kaya naman kunwari hindi ko nalang s'ya nakita.

Then dumiretso na ako sa room namin. Andun si Kambing kasama n'ya si Dweg. Kaya masaya na ako. :)))) Oo nga pala, andito ako ngayon sa Dion Lander kasama si Dweg. Kasama rin sana namin si Kambing kaya lang may exam sila. So umalis agad. Kung bakit ako nandito? Malamang para mag-internet. Nasira 'yung laptop sa bahay e. Na-overuse ata kaya ayaw mag-switch. Pati internet, sira! Kabanas e ano?

Monthsary namin ng Patjaylle ngayon. Pero hindi kami kumpleto. :(((





Saturday, March 03, 2012
JS PROM

March 2, 2012

Sabi nila, ang JS PROM raw ay para sa mga Juniors at Seniors. Masaya raw ito, enjoy, at romantic. Pero masaya, enjoy, at romantic nga ba ito para sa akin?

HINDI, bakit? Kasi hindi naman talaga ako dapat nandun eh. Nanood lang naman ako. Bawal kasi sa INC na gaya ko ang PROM, BAiLE, or whatsoever chorva chorvang sayawan. So ayun ako, nanonood lang habang namamatay sa inggit.

Umagang-umaga pa lang nagpunta ako agad kina Jayne sa Balococ. Dun na rin ako kumain ng breakfast at lunch. Sa totoo lang ayaw ko naman talagang kumain, kasi nga DiET ako. (Ansabeh naman? xD) Pero itong si Jayne naman todo pilit na pakainin ako. Plus naki-join pa 'yung mama niya na pilitin ako, makakatanggi pa ba ako? Malamang hindi na.

At pinanood ko s'ya habang inaayusan. Syempre, heto na naman ang pagka-insecure ko. :D Iniisip ko na SANA PWEDE DIN AKONG UMATTEND, EDI SANA WALA AKO RITO NGAYON, EDI SANA HINDI KO S'YA PINAPANOOD HABANG INAAYUSAN, EDI SANA NAGREREADY NA AKO NGAYON. Yan na lamang ang umiikot sa utak ko sa mga oras na 'yon. Hanggang sa natapos na s'yang ayusan. And.....yeah! Perfect! Princess!

Nagpunta na kami sa Sison Auditorium kung saan gaganapin ang PROM. At dahil kasama namin si Sir Castillo, nakapasok ako kahit naka-pants at jacket lang ako. Sinama na rin namin si Chadwick. Si Chadwick na kapatid ko sa pananampalataya. Nung una, andun lang kami sa gilid, nagtatago dahil baka may makakitang ibang INC sa amin. Pero nabwisit na lamang ako nung nakita kong maraming INC na naka-gown, sumasayaw, at kung ano-ano pang ginagawa nila. Meron pa ngang INC na bading na naka-make up plus wig! Ang dapat sa mga 'yun, tinitiwalag! Madaya talaga. Lalo akong nainggit. Sana sa Iglesia, may ganito rin. Never ko pang naexperience ang ganun at never kong maeexperience. Pero keri lang. At least, nagpaka-loyal ako. :D

Hanggang sa wala na akong kasama sa upuan dahil lahat sila ay sumasayaw. Okay, umatake nanaman ang insecurity ko. Paulit-ulit nalang? Pero buti nalang dahil kahit papano ay nakakasama ko ang KAMBiNG ng buhay ko.

Pagkatapos ng mahabang sayawan...mahabang program, nagpunta muna kami sa 7eleven. At kahit halos magsuka na ako sa dami ng nakain ko, tuloy ko parin ang pagkaen. E sa sayang nga. :))


At dito na nagtatapos. Alam kong nag-enjoy silang lahat. At alam ng lahat na ako lang ang hindi nag-enjoy. Oh masaya na kayo? K dot


Pahabol: Ang-sweet ni Veejay! Sa gitna pa talaga ng stage n'ya sinayaw si Patricia with matching SPOTLiGHT pa! Oh diba bongga? Edi s'ya na ang sweet! S'ya na talaga!