<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/8450009175143348118?origin\x3dhttp://rochelle-mae.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
profile entries message links credits
Disclamer



Flashback

Recent Posts


Saturday, March 03, 2012
JS PROM

March 2, 2012

Sabi nila, ang JS PROM raw ay para sa mga Juniors at Seniors. Masaya raw ito, enjoy, at romantic. Pero masaya, enjoy, at romantic nga ba ito para sa akin?

HINDI, bakit? Kasi hindi naman talaga ako dapat nandun eh. Nanood lang naman ako. Bawal kasi sa INC na gaya ko ang PROM, BAiLE, or whatsoever chorva chorvang sayawan. So ayun ako, nanonood lang habang namamatay sa inggit.

Umagang-umaga pa lang nagpunta ako agad kina Jayne sa Balococ. Dun na rin ako kumain ng breakfast at lunch. Sa totoo lang ayaw ko naman talagang kumain, kasi nga DiET ako. (Ansabeh naman? xD) Pero itong si Jayne naman todo pilit na pakainin ako. Plus naki-join pa 'yung mama niya na pilitin ako, makakatanggi pa ba ako? Malamang hindi na.

At pinanood ko s'ya habang inaayusan. Syempre, heto na naman ang pagka-insecure ko. :D Iniisip ko na SANA PWEDE DIN AKONG UMATTEND, EDI SANA WALA AKO RITO NGAYON, EDI SANA HINDI KO S'YA PINAPANOOD HABANG INAAYUSAN, EDI SANA NAGREREADY NA AKO NGAYON. Yan na lamang ang umiikot sa utak ko sa mga oras na 'yon. Hanggang sa natapos na s'yang ayusan. And.....yeah! Perfect! Princess!

Nagpunta na kami sa Sison Auditorium kung saan gaganapin ang PROM. At dahil kasama namin si Sir Castillo, nakapasok ako kahit naka-pants at jacket lang ako. Sinama na rin namin si Chadwick. Si Chadwick na kapatid ko sa pananampalataya. Nung una, andun lang kami sa gilid, nagtatago dahil baka may makakitang ibang INC sa amin. Pero nabwisit na lamang ako nung nakita kong maraming INC na naka-gown, sumasayaw, at kung ano-ano pang ginagawa nila. Meron pa ngang INC na bading na naka-make up plus wig! Ang dapat sa mga 'yun, tinitiwalag! Madaya talaga. Lalo akong nainggit. Sana sa Iglesia, may ganito rin. Never ko pang naexperience ang ganun at never kong maeexperience. Pero keri lang. At least, nagpaka-loyal ako. :D

Hanggang sa wala na akong kasama sa upuan dahil lahat sila ay sumasayaw. Okay, umatake nanaman ang insecurity ko. Paulit-ulit nalang? Pero buti nalang dahil kahit papano ay nakakasama ko ang KAMBiNG ng buhay ko.

Pagkatapos ng mahabang sayawan...mahabang program, nagpunta muna kami sa 7eleven. At kahit halos magsuka na ako sa dami ng nakain ko, tuloy ko parin ang pagkaen. E sa sayang nga. :))


At dito na nagtatapos. Alam kong nag-enjoy silang lahat. At alam ng lahat na ako lang ang hindi nag-enjoy. Oh masaya na kayo? K dot


Pahabol: Ang-sweet ni Veejay! Sa gitna pa talaga ng stage n'ya sinayaw si Patricia with matching SPOTLiGHT pa! Oh diba bongga? Edi s'ya na ang sweet! S'ya na talaga!